Thursday, December 22, 2011

Crossroads

SANGANG DAAN

Ni Refleco Premodialne



          Saan ka na ba ngayon aking disipulo?  Nand’yan ka ba sa sangang-daan? Sa cross-road?”
          “Opo aking Panginoon.  Nandito ako sa sangang-daan at nalilito ako kung aling direksyon ang aking pipiliin at tatahakin.”

          “Hindi naman siguro problema ‘yan.”
          “Problema po, aking Panginoon.  Mahirap po lamang ako.  Hindi ko kayang magpakain at magpaaral ng maraming anak. Pero ibig ko pong magkaroon ng maraming anak.”

          “At bakit naman kailangan mo ng maraming anak?  Ang mga mayayaman nga ay kakaunti lamang ang mga anak.”
          “Dahil po makasweldo naman sila ng katulong.  Nguni’t and mga anak ko po’y makatulong sa akin sa paghahanapbuhay at maging kaagapay ko sa aking pagtanda.  At saka hindi naman po ipinipilit sa amin ang aborsyon.  Pinagpipili po kami kung gamitin o hindi.”

          “Itong mga namumuno sa inyo ay nililito kayo.  Binigyan ko pa naman sila ng bendesyon upang pamunuan kayo.  Una, ang lupa na ibinigay ko para sa inyong lahat ay hinayaang ariin ng iilan lamang.  Wala naman silang “say”.  Ang resulta tuloy sila ay lalong yumayaman at kayo nama’y lalong naghihirap.  Gumawa sila ng mga batas na mahirap intindihin at kayo nama’y kailangang sumunod.  Ang resulta tuloy sabihing mga mangmang kayo kaya kayo ay naghihirap.  Dahil d’yan nagsisikap kayong papag-aralin ang inyong mga anak upang mag-ahon sa inyo sa kahirapan, hahayaan naman nilang magsingil ng mahal ang mga eskwelahan.  Kahit na mahal sinikap pa rin ninyong mapagtapos ang inyong mga anak, nguni’t wala namang mapagtrabahuwan pagkagradweyt.  Ang resulta tuloy ay maraming walang trabaho at kailangan pang magpalakasan, may kapit, upang makapagtrabaho.  Ngayon saan kukuha ng pagkain ang mga walang trabahong ito dahil wala silang pera?  Magiging prublema sila sa lipunan, di ba, pagkat mag-demand  sila ng pagkain.  Sino ngayon ang magbibigay sa kanila ng pagkain?  Walang gustong magbigay ng pagkain ng libre sa matagal na panahon.  Kung magreklamo sila at gagawa ng gulo nariyan ang bilangguan para sa kanila.   Ang prublema ay kung dumarami ng dumarami ang mga nagrereklamong ito.
          Kaya napag-isip nila na ang pinaka-da best na remedyo d’yan ay bawasan ang bilang ng mga nagrereklamong ito pagdating ng panahon.  Kailangang bigyang laya ang mga pills at ibang pang mga birth control na pamamaraan kalakip na ang aborsyon.  Hindi ang pinakaugat ng prublema ang nilulutas nito kundi ang mga epekto lamang, ang mga sanga-sanga.  Tandaan mo.  Ang mali ay di maaaring tawaging wasto at ang wasto ay palalabasing mali.  Ang kadiliman ay madilin at ang liwanag ay maaliwalas.  Ang kumitil ng buhay ay mali at kailanma’y hindi maaring maging wasto.”
          “Nguni’t Panginoon, marami naman sa amin ang gumagamit ng mga contraceptive pills, ang kumitil ng buhay sa sinapupunan....”

          “Sumpain kayo!  Sinasayang ninyo ang buhay na neregalo ko sa inyo.  Hindi ba ninyo naririnig ang hiyaw ng walang kalaban-laban na sanggol sa sinapupunan?  Mula sa aking kinaroroonan ay nabibingi ako sa kanilang mga tili ng takot, sigaw ng pagmamakaawa.  Kung ginagawa man ninyo iyan, hindi iyan nangangahulugan na gawan na iyan ng batas na nagpapahintulot.  Tulad ng dumaraming mga kalapating mababa ang lipad na ang karamihan ay sanhi ng kahirapan.  Hindi ibig sabihin, dahil dumarami sila gagawan na ng batas na pinahihintulutan ang prostitusyon!
          “Ibig bang sabihin dahil dumarami ang taong mapaniil gagawan na ng batas na maging legal ang paniniil?  Ibig bang sabihin dahil sira na ang kalikasan, ang karagatan, kabundukan, kapatagan, ang hangin, ay gagawa na ng batas na legal ang sumira ng kalikasan? 
Baka gawin nilang legal ang pagiging mahirap dahil marami di hamak ang mahihirap kaysa mayayaman?”
         
          “Di man nila gawan ng batas iyan ay s’ya naman ang nagyayari, Panginoon.”

          “Nguni’t isang bagay ang dapat mong malaman aking disipulo.”
          “Ano ‘yon, mahal kong Panginoon?”

          “Kahit ganyan ang mga mayayaman ay mahal ko pa rin sila.  Kahit ganyan ang mga namumuno ay mahal ko pa rin sila.”
          “Mahal mo pa rin kahit ginawa na nilang alipinin ang ibang mga tao?  Kahit gumagawa sila ng batas na taliwas sa pinag-uutos mo?”

          “Oo.  Nguni’t hindi ko mahal ang kanilang mga kasalanan  Kinasusuklaman ko iyon. .  Naawa nga ako dahil alam kong sila, kayong lahat ay bilanggo sa loob ng isang  bilangguang walang rehas.
Pero babawiin ko sa kanila ang aking bendisyon.  Ibibigay ko sa aking mga tagasunod.  Babawiin ko sa kanila ang aking pahintulot na mamuno sa inyo.
          “Kaya kumilos ka.  Hindi mo maaasahan ang mga namumuno sa inyo sa ngayon dahil nasa mabuti silang kalagayan at hindi nila nararamdaman ang paghihirap ng mga mamayan.  At huwag kang mabahala dahil darating ang umaga ng pagbabago.”
          “Opo, aking Panginoon.”

Wakas


Friday, December 16, 2011

That's What Really Life Is?

K A D I L I M A N
Ni Refleco Premodialne


       “O, Bathala na nagbigay sa amin ng biyaya ng kalikasan, kami po’y taos pusong nagpapasalamat sa mga kabutihang idinulot mo sa amin.  Purihin ka.  Ikaw ang nagbi-bigay buhay sa aming lahi.  Sambahin ang ngalan mo....”

       “Ha, ha, ha, ha, lupigin ang mga ham-paslupang ‘yan.  Kamkamin ang mga lupain.  Dapat nilang malaman na tayo ang maka-pangyarihan.”

        “Maawa kayo, h’wag n’yong kamkamin ang aming lupain.  Mawawalan kami ng ma-pagkukunan ng kabuhayan.  Maghihirap ang aming lahi.  Mamamatay kami sa gutom.”
“Ulol, sino ang nagsabi sa ‘yong hahayaan naming mamamatay kayo sa gutom?  Walang mananakop na ganyan katanga.  Sino ang magtatrabaho sa inyong lupain na amin na ngayon.  Sige simulan na  ninyong bungkalin ang ‘aming. Lupain, ha ha ha ha..”


  “Nguni’t ano ang aming kakainin pag-sapit ng paglubog ng araw.”
“Bibigyan namin kayo ng papel na pera, tulad nito.”


“Iyan? Makakain ba ‘yan?”
“Tanga! Dahil wala kayo sa bagong kabihasnan, hindi ninyo kilala ang pera.  Ang perang ito ay ibili ninyo ng pagkain doon sa aming tindahan na itinayo.  Ito ang ipagpapalit ninyo ng pagkain doon.”


  “Sabagay, siguro mabuti nga ‘yan, dahil hindi naman namin pagkain ang halaman na ipinatatanim ninyo sa amin.”
“Di nakapag-isip-isip rin kayo. Hala. Sige, papalubog na ang araw ‘eto na ang pera ninyo bumili na kayo sa tindahan.”


“Tao, po, pabili po.  Heto po’ng pera, ipagpapalit namin ng pagkain.”
        “Aha, magaling!  ‘Etong pagkain, akin na’ng pera n’yo.”


“Ano, ito lang?  Aba, kulang na kulang  ito sa amin, a. Hindi nga ito kalahati ng dating kinakain namin.”
“Huwag, kayong mag-alala may remedyo d’yan.  ‘Ang kinakain ninyo araw-araw ay dalawang peso. Yong pera 
n’yo kanina ay tig-isang peso.  Dagdagan ko ang pagkain n’yo ng bali isa pang peso para makumpleto ang kinakain n’yo isang araw.  Pero babayaran n’yo ako sa susunod na mga sweldo n’yo, okey?”


“Uki, na lang, kaysa hangin ang pumasok sa tiyan namin”
“He, he, dahan-dahanin ko ang mga ugok na ito.”


“O, heto na’ng sweldo namin, pabili ng pagkain.”
  “Aba, magaling!  Hetong pagkain.”


“Ito pa rin? Kaunti?”
“Aba, syempre.  Pero kung uutang uli kayo  ng peso, dalawang peso na’ng utang ninyo.”


“Sige, pinauutang, e, di umutang.”
“He, he, malapit nang mabitag.”


“Alahoy! narito na naman kami pabili nga ng pagkain.”
“Pasensya na hindi na puede.  Marami na kayong utang.  Ilang buwan na nadadagdag ang utang n’yo. Ipapakulong ko na kayo.  Guardya..!”


        “Parang awa mo na, kung may lupa sana kaming sinasaka ay mababayaran ka namin.  May sahod nga kami pero kulang na kulang naman.  Para mo ng awa....”
“Madali iyan.  May mga anak na dalaga at magaganda ang inyong lahi, di ba?.”


“Anooo....?”
Wakas


Thursday, December 15, 2011

The Prisoner


BILANGGUANG
WALANG REHAS
Akda ni Refleco Premodialne


          “Naalala mo pa ba nang dalhin mo ako sa Paraiso?  Ang pinakahalagang bagay na sinabi mo noon ay ang ‘bantayan mo ang paraisong ito at aalagaan.  Dito mabubuhay ang lahi mo.  Magpakarami kayo’.”
          “Oo, naalala ko.  Ang saya-saya mo noon.  Bakit ngayon parang matamlay ka?”

          “Ganito, kasi ang nangyari.  Kinamkam ng mga dayuhan ang aming paraiso.  Dala-dala pa nga nila ang pangalan mo.  Sabi nila ay utos mo raw.  Caramba ang tawag sa kanila.  Ililigtas daw kami sa kamay ng demonyo.  Ginawa ang lahi kong alipin sa loob ng tatlong daan -daang taon.
          “Ikalawa’y dumating ang mga dayuhan na ang tawag sa sarili’y Angkol.  Ililigtas daw kami sa pagka-alipin sa kamay ng mga Caramba.  Mas matindi ito sila.  Sinakop nila ang aming paraiso at sinakop pa rin pati ang aming kaisipan.  Nawala kami sa aming sarili.
          Ikatlo’y dumating ang mga taong singkit ang mata.  Sabi nila’y Sakang daw sila.    Ililigtas daw kami sa kamay ni Angkol.  Hindi nila alam na kahit naitaboy nila si Angkol sa aming paraiso, nandito pa rin si Angkol sa amin dahil naagaw na ni Angkol ang aming kaisipan.  Nang malaman ng Sakang na wala silang maasahan sa amin, nagwala sila.  Pinagpapatay ang aming lahi.  Sabi ni Angkol ay babalik siya matapos niyang matulungan ang kanyang pinsan sa malayong bayan.  Sabi nga ng kalahi ko: ‘Bakit matitiis ni Angkol na tumulong sa kaniyang pinsan doon sa malayong bansa samantalang ang anak niyang dalaga ay ginahasa sa kabilang kuwarto?’ 
“Nang bumalik si Angkol upang iligtas daw kami sa kamay ng mga Sakang, marami ng comfort women sa aming mga kalahi.”

          “Bumalik na pala si Angkol, e,  pero bakit tila malungkot ka pa rin?”
          “Akala ko’y ligtas na kami, ‘yon pala’y gano’n pa rin.”

          “Anong gano’n pa rin?”

          “Di, alipin pa rin!”

          “Ano?  Paano nagkagano’n?  Malaya na kayo.  May demokrasya na kayo, bakit alipin pa rin ang feelings  mo?”

          “Alipin, bilanggo.  Mahirap palang mabilanggo sa bilangguang walang rehas.  Hindi mo alam at makita kung alin ang iyong puputulin at wawasakin upang makalaya ka.  Para kang nangangapa sa dilim.”
          “Wow, galing ng dialogue  mo.  Naramdaman mo ang paghihirap nguni’t hindi mo alam kung papa’no nangyari, kung ano ang dahilan.  Kung ibig mong lumaya, ang una mong palayain ay ang iyong kaisipan.  Kapag nakalaya na ang iyong kaisipan, susunod na rin ang iyong katawan.”

          “Nguni’t paano ko palalayain ang aking kaisipan.”
          “Magandang tanong.  Medyo may kahirapan pero naghihirap ka na lang din, e, di pagsikapan mo na.  Ganito ang gawin mo.  Mag-relaks ka ng kaunti.  Magmuni-muni ka.  Liripin mo ang iyong sarili, at makikita mo ang nakasulat sa iyong puso ang isang batas na nagsasabing: “gumawa ka ng mabuti at ang masama ay iyong iwaksi”.  Diyan ka magsimula at makakamtan mo ang kalayaan ng isipan.”


Wakas

Friday, December 9, 2011

Ang Pagbabalik


REINCARNATION?

Minsan ay nakapunta ako sa isang malayong pook.  Matagal kong nilakad ang lugar na yaon at sa wakas ay narating ko rin.  Isang bahay ang aking napagtanungan. 
Itinanong ko kong nasaan ang bahay ni Lolo Isyo. 
Itinuro nila ako sa isang bulubundukin at doon sa isang munting dampa ay aking nakita ang isang matandang lalaking kulubot, buto't balat ang anyo. 
Sa kanyang mga mata'y aking naaninag ang kahirapang  dinaranas n'ya sa mahabang panahon.


Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at bago pa ako makapagtanong siya'y nagwika: "Ikaw si Pamping ang nawawalang alamat ng ibong Phoenix... matagal naming hinintay ang iyong pagbabalik..."

At mula sa kung saan-saang sulok ay lumantad
ang napakaraming tao, lalake, babae, mga bata't matatanda. 
Mga taong hapis ang mga mukha, nagdadalamhati at nakaluksa sa kahirapang kay tagal nang panahong ipinagtitiis; 
at sa pagtitiling maihahambing sa mga ibong may kimkim na galit sa matagal na pagkakakulong sa mga hawla, isinigaw ang pangalang 'Pamping!.Pamping! Paulit-ulit, palakas ng palakas....

Sino ba si Pamping?
Napagkamalan akong si Pamping. 
Nguni't ako ba si Pamping? 

Bigla akong nagising.  Isang panaginip.  At naalala ko ang mga kataga ng isang manghuhula:
"Every dream is a wish. Your dream will bring you,
 where you want to be"
(Ang bawa’t panaginip ay isang hangarin.  Dadalhin ka ng iyong panaginip saan mo man naisin.)

Wakas

Ang Pagbabalik


REINCARNATION?

Minsan ay nakapunta ako sa isang malayong pook.  Matagal kong nilakad ang lugar na yaon at sa wakas ay narating ko rin.  Isang bahay ang aking napagtanungan. 
Itinanong ko kong nasaan ang bahay ni Lolo Isyo. 
Itinuro nila ako sa isang bulubundukin at doon sa isang munting dampa ay aking nakita ang isang matandang lalaking kulubot, buto't balat ang anyo. 
Sa kanyang mga mata'y aking naaninag ang kahirapang  dinaranas n'ya sa mahabang panahon.


Pinagmasdan ko ang kanyang mukha at bago pa ako makapagtanong siya'y nagwika: "Ikaw si Pamping ang nawawalang alamat ng ibong Phoenix... matagal naming hinintay ang iyong pagbabalik..."

At mula sa kung saan-saang sulok ay lumantad
ang napakaraming tao, lalake, babae, mga bata't matatanda. 
Mga taong hapis ang mga mukha, nagdadalamhati at nakaluksa sa kahirapang kay tagal nang panahong ipinagtitiis; 
at sa pagtitiling maihahambing sa mga ibong may kimkim na galit sa matagal na pagkakakulong sa mga hawla, isinigaw ang pangalang 'Pamping!.Pamping! Paulit-ulit, palakas ng palakas....

Sino ba si Pamping?
Napagkamalan akong si Pamping. 
Nguni't ako ba si Pamping? 

Bigla akong nagising.  Isang panaginip.  At naalala ko ang mga kataga ng isang manghuhula:
"Every dream is a wish. Your dream will bring you,
 where you want to be"
(Ang bawa’t panaginip ay isang hangarin.  Dadalhin ka ng iyong panaginip saan mo man naisin.)

Wakas

Wednesday, December 7, 2011

From the Heart

-->
MULA SA PUSO
(Noong minsang nakipag-usap ako sa Diyos)
Ni Refleco Premodialne

          “Alam mo ba ang kahulugan ng salitang terorista?”
          “Tinatanong pa ba sa akin ‘yan?  Napaka-basic naman, mote and academic.”

          “Ikaw talaga, oo, napakayabang mo.”
          “Yabang? Ang mayabang ay yaong nanghihiram lang ng kaalaman.  Itong sa akin ay talagang ganito ako.  Alam mo naman ang kahulugan ng sinasabing ‘All- Knowing, di ba?’ ”

          “O sige, sige.  Pero ako hindi ko alam ang salitang terorista, e.  Nalilito ako. Kilala mo naman ako.  Wala akong natapos. Grid wam bi (Grade I-section B) lang ako.  Pero bago mo sagutin ‘yong tanong ko, may sasabihin ako sa ‘yo.  Pero h’wag mong sasabihin sa iba, ha?  Secret lang ‘to.  Alam mo, dahil ‘All- Powerful’  ka ‘yong ibang tao ay takot sa ‘yo....”
          “Ano, takot sa akin?  Aba-ba-ba—walang ganyanan, ha.  Isang bagay na pinaka-aayaw ko sa lahat ay ang katakutan ako.  Sa tipo ko ba namang ‘to, e, katakutan ako.  Tingnan mong porma ko.  Ang mukha bang ito’y kinatatakutan?  Di ba ang bait-bait niyan?  Sabihin mo sa kanila, maging sino man ‘yan sila na ang kailangan ko sa kanila ay pagmamahal at pagsamba, hindi takot, dahil, dahil....”

          “Dahil ano po ‘yon?  Sige na sabihin mo.  Huwag mo lang masyadong dibdibin.”
          “Dahil....dahil sa simula ako’y nag-iisa.  Nguni’t kahi’t nag-iisa’y di ko kilala ang kalungkutan.  Ang nag-uumapaw sa aking puso ay kaligayahan at pagmamahal.  Kumuha ako ng sandakot na lupa, inilagay sa aking palad, dahan-dahan at buong-ingat ko itong inihugis sa aking larawan.  At mula sa aking puso ay bumulwak ang nag-uumapaw na ligaya at pagmamahal at dumaloy sa inihugis kong larawan at iyon ay nagkaroon ng buhay.”

          “Wow ang galing-galing.  E, nasaan na siya ngayon?  Ang ibig kong sabihin ay yaong inihugis mong nagkabuhay?”
          “Inilagay ko siya sa hardin ng daigdig.  Isang napakalawak at napakagandang hardin.  Punong-puno ng  lahat niyang pangangailangan. Binigyan ko siya ng kasama na katulad n’ya upang malubos ang kaniyang kaligayahan.  Hindi niya, nila kilala ang kalungkutan. Wala silang alalahanin na baka bukas ay wala silang makakain dahil kung mangyari ang gano’n, sila ay magkaroon ng takot at iyan ang isang bagay na hindi ko gusto sa lahat.  Kaya ginawa ko ang hardin na sagana sa lahat na kanilang pangangailangan.  Ganyan ko siya, sila, kamahal.  Ang buhay ay ang aking pinakamahalaga, pinakadakilang handog sa tao”

          “Wow, napakaswerte naman nila.  Inggit ako, a.  Ako nga laging kumakalam ang sikmura, e.  Pero bakit ang ayaw mo sa lahat ay ang tinatakot sila?”
          “Hindi mo ba na-gets?  Kahit papano’y ginugulan ko rin ng panahon ang paghugis sa kan’ya sa aking mga palad, no.  Ang pagmahal at ligaya na ineregalo ko sa kanya, hay naku, hindi basta-basta ‘yon.  At higit sa lahat buhay ang ibinigay ko sa kanya.  At kaya ko siya inilagay sa hardin ng daigdig na sagana sa lahat nilang pangangailangan ay upang mapanatili ang buhay na iyon.  Kaya ang sinumang kukuha sa kanila ng mga pangangailangang ito ng buhay, sila ay tatawagin kung mga ter....”

          “Anong ter...?  Ibinibitin mo pa kasi, e.  Sabihin mo na.”
          “Di terorista.  Hayy naku.  Nalaman din.  Nabigla ‘ata ako.”



Wakas

Tuesday, December 6, 2011

Do You Love Me?

-->
                                           AKO BA'Y MAHAL MO?
                                              Ni Refleco Premodialne


           “Mahal mo ba akong talaga?”
          “ Oo, bakit, duda ka ba?”
         
“Nagtatanong lang, kasi kung mahal mo ako, bakit pinabayaan mo ako?”
          “Hindi naman kita pinabayaan, a, bakit mo nasabi iyan?”
         
“Kasi, kung mahal mo ako, bakit pinabayaan mo akong nagugutom.  Tingnan mo, ang payat-payat ko na.  Minsan lang ako kumakain isang araw.”
          “Bakit, ang dami namang pagkain d’yan, a.  Sobra-sobra nga. Binigyan ko naman kayo ng pagkaing hindi maubos-ubos.  Tingnan mo ang mga ibon ang dami nilang makakain, ikaw pa?  Pumunta ka sa palengke, ma-raming pagkain doon.”

          “Wala akong pera, e.”
          “Wala kang pera? Di maghanap ka ng pera, mag-trabaho ka.”

          “Wala namang tuma-tanggap sa aking magtrabaho, e. No vacancy raw”
“Ay, naku, di magbungkal ka ng lupa d’yan, magtanim ka, pag-ani mo di may pagkain ka na.

          “Wala naman akong lupa, e.  Saan ako bubungkal upang magtanim?”
          “Tama, wala ka ngang lupa at wala namang kahit sino ang dapat magmamay-ari ng lupa, dahil mamatay ka na at kahit na sino, kahit lahat ng tao,  pero ang lupa ay and’yan pa rin.  Ang lupa ang nagmamay-ari sa iyo, sa mga tao, dahil diyan kayo ililibing, hindi tao ang magmamay-ari sa lupa.”

          “E, pa’no, ‘yan ang patakaran.  Puedeng mag-angkin ng isang daang ektarya, dala-wang daang ektarya, isang libong ektarya, kahit ilan, walang limit.”
          “At sino naman ang may sabi n’yan?”

          “Di, ang namumuno sa amin.  Sabi nila may bendisyon raw sila galing sa ‘yo na gumawa ng mga patakaran para sa aming lipunan.”
          “Hay, naku, kaya pala.  Tama ‘yan na meron silang permiso at bendisyon galing sa akin, pero ang permisong iyan ay upang gumawa ng kabutihan para sa lahat.  Kung ang gagawin nila ay para lamang sa kanilang sariling kapakanan, o para sa iilan lamang, hindi ko pinapayagan ‘yan dahil ang lahat ay mahal ko.”
      
          “Di, kung gayon kagalitan mo sila at gamitan ng kamay na bakal para mabigyan sila ng lek-syon at mapatupad ang sadyang hangad mo para sa pangkala-hatang kabutihan?”
          “Sino, ako?  Bakit ako? Di ka nga kumikilos na ikaw mismo and nagugutom, e, ako pa na di maaaring makaranas ng gutom o paghihirap?  At saka di naman ako ang may gawa ng paghihirap mong sanhi ng gutom, a.”

          “Oo, nga. Pero makapangyarihan ka.  Kayang-kaya mong pawiin ang paghihirap ko sa isang iglap lang.  Para que, na huma-hanga ako sa ‘yo.  Bilib na bilib ako sa ‘yo, alam mo ‘yan.  Kaya nga kung mahal mo akong talaga baguhin mo na ang mga pangyayari ayon sa kagustuhan mo.”
 
“Hayy, naku, hindi ko alam kung magalit ako o matuwa sa ‘yo.  Napaka-dependent mo naman.  Para kang walang buto. Binigyan na kita’t lahat ng kaka-yahan.... Bibiguin mo pa yata ako.  Kahawig pa naman kita.  Kaya mo ‘yan.  Huwag kang duwag.  Tandaan mo lamang, walang bendesyon sa akin ang masasama, ang mga makasarili.  Kaya magpakatatag ka.  Ipaglaban mo ang pangkalahatang kabutihang may tatak ng aking bendesyon. 
Tandaan mo, kasama mo ako habang ang mundo ay mundo.”

Wakas

Monday, December 5, 2011

The Cave


by Refleco Premodialne


     Once upon a time, there was a cave. Inside the cave were prisoners who lived  facing a blank wall of the cave and  chained  all of their lives.  Behind the prisoners is an enormous fire, and between the fire and the prisoners is a raised walkway, along which people walk carrying things on their heads "including figures of men and animals made of wood, stone and other materials". The prisoners watch the shadows cast by the men, not knowing they are shadows. (They are prohibited to look back).There are also echoes off the wall from the noise produced from the walkway. 

 . They would praise as clever whoever could best guess which shadow would come next, as someone who understood the nature of the world, and the whole of their society (society inside the cave) would depend on the shadows on the wall.

     Then one prisoner was freed and brought out of the cave.  At first he was blinded by the light but after sometime he had adjusted to the surroundings.  He saw that around him is so different from what he has understood inside the cave.  He was convinced that it was reality and what he saw inside the cave is just a reflection of the real things.

     Excited and happy of his  new acquired knowledge he rushed inside the cave and told his former co-prisoners what he saw.  He told them that the true world is there outside  the cave.  But his former friends could not understand him.  They would not believe him.  They thought that he got insane.  But convinced of what he saw outside  he persisted to convince them; but when his former friends showed sign of killing him he stopped insisting.

     So he asked himself a question.  Is the knowledge he had acquired outside the cave worthwhile? His friend inside the cave is contented of their lot.  Despite of being chained they are happy, despite of their being un-knowledgeable of the outside world; in fact they are willing to kill him because of their belief.  

     Then he turned his head and slowly walked toward the entrance of the cave and  stopped at the point where he could see the world outside the cave.  He is now at a delima. Shall he leave his former friends with those distorted concept of things, these people whose company he once enjoyed?  Or shall he proceed to the world outside the cave which is new to him but he know is the truth and the real world?

The End