K A D I L I M A N
Ni Refleco Premodialne
“O, Bathala na nagbigay sa amin ng biyaya ng kalikasan, kami po’y taos pusong nagpapasalamat sa mga kabutihang idinulot mo sa amin. Purihin ka. Ikaw ang nagbi-bigay buhay sa aming lahi. Sambahin ang ngalan mo....”
“Ha, ha, ha, ha, lupigin ang mga ham-paslupang ‘yan. Kamkamin ang mga lupain. Dapat nilang malaman na tayo ang maka-pangyarihan.”
“Maawa kayo, h’wag n’yong kamkamin ang aming lupain. Mawawalan kami ng ma-pagkukunan ng kabuhayan. Maghihirap ang aming lahi. Mamamatay kami sa gutom.”
“Ulol, sino ang nagsabi sa ‘yong hahayaan naming mamamatay kayo sa gutom? Walang mananakop na ganyan katanga. Sino ang magtatrabaho sa inyong lupain na amin na ngayon. Sige simulan na ninyong bungkalin ang ‘aming. Lupain, ha ha ha ha..”
“Nguni’t ano ang aming kakainin pag-sapit ng paglubog ng araw.”
“Bibigyan namin kayo ng papel na pera, tulad nito.”
“Iyan? Makakain ba ‘yan?”
“Tanga! Dahil wala kayo sa bagong kabihasnan, hindi ninyo kilala ang pera. Ang perang ito ay ibili ninyo ng pagkain doon sa aming tindahan na itinayo. Ito ang ipagpapalit ninyo ng pagkain doon.”
“Sabagay, siguro mabuti nga ‘yan, dahil hindi naman namin pagkain ang halaman na ipinatatanim ninyo sa amin.”
“Di nakapag-isip-isip rin kayo. Hala. Sige, papalubog na ang araw ‘eto na ang pera ninyo bumili na kayo sa tindahan.”
“Tao, po, pabili po. Heto po’ng pera, ipagpapalit namin ng pagkain.”
“Aha, magaling! ‘Etong pagkain, akin na’ng pera n’yo.”
“Ano, ito lang? Aba, kulang na kulang ito sa amin, a. Hindi nga ito kalahati ng dating kinakain namin.”
“Huwag, kayong mag-alala may remedyo d’yan. ‘Ang kinakain ninyo araw-araw ay dalawang peso. Yong pera
n’yo kanina ay tig-isang peso. Dagdagan ko ang pagkain n’yo ng bali isa pang peso para makumpleto ang kinakain n’yo isang araw. Pero babayaran n’yo ako sa susunod na mga sweldo n’yo, okey?”
“Uki, na lang, kaysa hangin ang pumasok sa tiyan namin”
“He, he, dahan-dahanin ko ang mga ugok na ito.”
“O, heto na’ng sweldo namin, pabili ng pagkain.”
“Aba, magaling! Hetong pagkain.”
“Ito pa rin? Kaunti?”
“Aba, syempre. Pero kung uutang uli kayo ng peso, dalawang peso na’ng utang ninyo.”
“Sige, pinauutang, e, di umutang.”
“He, he, malapit nang mabitag.”
“Alahoy! narito na naman kami pabili nga ng pagkain.”
“Pasensya na hindi na puede. Marami na kayong utang. Ilang buwan na nadadagdag ang utang n’yo. Ipapakulong ko na kayo. Guardya..!”
“Madali iyan. May mga anak na dalaga at magaganda ang inyong lahi, di ba?.”
“Anooo....?”
Wakas

No comments:
Post a Comment