REINCARNATION?
Minsan ay nakapunta ako sa isang malayong pook. Matagal kong nilakad ang lugar na yaon at sa wakas ay narating ko rin. Isang bahay ang aking napagtanungan.
Itinanong ko kong nasaan ang bahay ni Lolo Isyo.
Itinuro nila ako sa isang bulubundukin at doon sa isang munting dampa ay aking nakita ang isang matandang lalaking kulubot, buto't balat ang anyo.
Sa kanyang mga mata'y aking naaninag ang kahirapang dinaranas n'ya sa mahabang panahon.
At mula sa kung saan-saang sulok ay lumantad
ang napakaraming tao, lalake, babae, mga bata't matatanda.
Mga taong hapis ang mga mukha, nagdadalamhati at nakaluksa sa kahirapang kay tagal nang panahong ipinagtitiis;
at sa pagtitiling maihahambing sa mga ibong may kimkim na galit sa matagal na pagkakakulong sa mga hawla, isinigaw ang pangalang 'Pamping!.Pamping! Paulit-ulit, palakas ng palakas....
Sino ba si Pamping?
Napagkamalan akong si Pamping.
Nguni't ako ba si Pamping?
Bigla akong nagising. Isang panaginip. At naalala ko ang mga kataga ng isang manghuhula:
"Every dream is a wish. Your dream will bring you,
where you want to be"
(Ang bawa’t panaginip ay isang hangarin. Dadalhin ka ng iyong panaginip saan mo man naisin.)
Wakas

No comments:
Post a Comment